Sunday, September 19, 2004

Sampung Utos sa Manginginom

Habang ako'y nagpapapalit ng "clucth disc" ng sasakyan nung sabado dun sa talyer ni Mang Toti, me napansin akong isang papel na nakapaskil sa isang dingding habang naghihintay. Medyo na-amuse ako kaya't minarapat kong kopyahin at ibahagi. Tinanung ko si Mang Toti kung sino me gawa nito...sabi nya, silang mga mekaniko...naniniwala ako dahil ugali kasi nilang mag-inom ng Tanduay o Emperador pagkatapos ng maghapong trabaho.

Sampung Utos para sa mga Tomador

  1. Huwag makulit habang umiinom.
  2. Huwag matakaw sa pulutan. Ito'y pangsapin lang at di panghapunan.
  3. Huwag patagalin ang baso sapagkat me naghihintay rin sa susunod na tagay...ika nga, "di baling magtagal sa suso, huwag lang sa baso".
  4. Huwag matutulog habang nag-iinom.
  5. Di basta umiinom o nakikiinom lang, bumili rin. Sa madaling salita, mag-ambag ka.
  6. Ilagay ang alak sa tiyan, huwag sa ulo.
  7. Huwag pakalasing, magtira ng pang-uwi.
  8. Huwag basta aalis habang nag-iinom, magpaalam naman.
  9. Siguraduhing sa bahay ang diretso pag-uwi.
  10. Huwag mananakit ng asawa, lambingin lamang ito at kung maari ay suhulan ng maski ano (halimbawa, pansit) para payagan ulit sa susunod na paalam sa pag-iinom.

Nagtataka si Mang Toti habang kinukopya ko ito, sabi ko'y ikakalat ko ito...malay mo baka makatulong pa ito sa iba. Nangingiting bumalik sya dun sa kanyang ginagawa.

No comments:

Nostalgia